Linggo, Oktubre 15, 2017

KOLEKSYON NG MGA TULA

PIPASAKA
(Pilipino Para Sa Kapayapaan)
Ni: Vianca Marie Cordero


Maraming naranasan ngayon
Mga problemang kailangan ng solusyon
Problemang hinaharap buong taon
Halina at gumawa ng tulong at aksyon

Doon sa Marawi maraming namatay
Sobrang raming tao ang nadamay
Maute ang grupo na siyang sumalakay
Ang taong bayan sabay-sabay naglumbay

Magiting na sundalo ang siyang lumaban
Para sa pinakamamahal na bayan
Gumamit ng karunungan, kagitingan
Upang makamit gintong kapayapaan

Iaalay an gating dalawang kamay
Kapayapaan ibigay sabay-sabay
Ikaw at ako ang pag-asa ng bayan
Dugo’t pawis agos walang hanggan


Susi Sa Tagumpay
 Ni: Vianca Marie Cordero

Ako’y isang tao na may pangarap
                                                                                                Hihingi ng tulong sa Diyos na may gabay
 Ako’y magsisikap tungo sa tagumpay
Upang makamtan ang ruruk ng tagumpay

Gagawin ko ang aking tungkulin
Hahamakin ang lahat upang tapusin
Upang abutin ang aking mithiin
Sa tulong ng maykapal ng Diyos natin

Ito’y pagtratrabahuhan at pagsikapan
Para sa sarili kong kinabukasan
Iaalay ko ito para sa bayan
Dahil ito ang aking kagustuhan

                                                                   Kung kaya ko lang lumipad
                                                                            Kahit saang lugar man ako mapadpad
                                                                            Kahit na ang mundo natin ay baliktad
                                                                            Basta’t lahat ng pangarap ay matupad


Inang Kalikasan
Ni: Vianca Marie Cordero

O, kalikasan ba’t ka nagkaganyan            
Pasensya na at di ka naalagaan
Iyong yaman ay aming kinabukasan
Bagkus ay dapat natin itong ingatan

O, kalikasan iyong kagandahan
Kami ay nabighani at nagandahan
Iyong ganda ay aming kayamanan
Dapat ay alagaan at ingatan

Naalala ko noong bata pa ako
Kita ko ang tanawin doon sa dulo
Napakaganda at malinis pa ito
O, kalikasan anong nangyari sayo

Ang hanging sariwa bihira na ngayon
Dala ng usok na bunga ng polusyon
Ito’y problemang kailangan ng solusyon
Sanhi na ginawa ng pagkakataon


Karapatan
Ni: Vianca Marie Cordero

Mahirap, oo mahirap pero kakayanin
Kahit na anumang pagsubok ang dumating
Tatayo at magsisikap para sa sarili
Upang matugunan ang minimithi

Kahit na magulang ko’y tutol
Hahamakin ang lahat para sa aking sarili
Masaya, malungkot o kahit ano pa man
Paglalaban ko ang aking karapatan

O, magulang ko sana’y malaman niyo
Na hindi sa lahat ng oras ay nandyan ako
Sana nga’y mabigyan niyo ako ng kalayaan
Dahil ito ang aking kagustuhan

Kung kay ako lang lumipad
Ay nakapunta na ako saan ko man gusto
Basta’t nandyan ang Diyos
Na lagging nakagabay


Bayan Ni Juan
Ni: Vianca Marie Cordero

Pilipinas kong mahal aking bayan
Kapwa Pilipino bilib na bilib ako sainyo
Sana ay pagsikapan niyong mabuti
Upang umunlad ang ating bayan

Sa pamamagitan ng tulungan
Tayo ay magkapit-bisig
Magising sa katotohanan at
Magtiwala sa abot ng makakaya

Pilipinas, o Pilipinas halina’t
Magsimula para sa pagbabago
Magising sa katotohanan
At ipakita mo ang lakas ng loob

Halina mga kababayan tayo na’t
Bumangon at gumawa ng aksyon
Para sa ating bayang minamahal
O, Pilipinas ang ngalan




Paraiso
Ni: Maureen Delos Santos

Kapaligirang punong-puno ng kulay
Upang sa’ting mundo ay magbigay-buhay
Tila isang paraiso kung titignan
Isang paraisong kay sarap pagmasdan

Ngunit sa paglipas ng panahon ito’y
Naaabuso at napapabayaan
Napapansin subalit hinahayaan
Inaabuso sa maraming dahilan

Ang dating malagong kagubatan ngayo’y
Ang kagandaha’y inubos na ng tunay
Bughaw at malilinis na anyong tubig
Marurumi na at di kaaya-aya

Huwag abusuhin Inang Kalikasan
Upang sa huli di ito pagsisihan
Mahalin ito’t matutong alagaan
Nag-iisa lang at di napapalitan

Munting Pangarap
Ni: Maureen Delos Santos

Ang pangarap ang s’yang naging puhunan ko
Upang makamit ang mga mithiin ko
Ang makamit ito’y aking inaantay
Mga pangarap na magbibigay-kulay

Asahang mag-aaral ng buong husay
Upang ang ambisyon ay maabot-kamay
Maging isang mahusay na manggagamot
Ito ang pinakaaasam na tunay

Ang hindi lamang makatulong sa kapwa
Kundi pati rin sa sariling pamilya
Ang pangarap na ninanais nais ko
Talino’t husay ang ipapakita ko

Di alintana ang mga suliranin
Kung pagtitiyaga ang papairalin
Kinakailangan na maging matibay
Para sa huli ay maging matagumpay


Aking Lupang Sinilangan
Ni: Maureen Delos Santos

Isang bansang nagmula sa Asya
Isang bansang arkipelago

Mayroong tatlong malalaking pulo
Mayroong iba’t-ibang dayalekto

Noo’y sinubukang angkinin ng iba
Ngayo’y masasabing atin na atin na

Pilipinas, ito ang aking bansa
Ito ang ating bansa


Aking Munting Tahanan
Ni: Maureen Delos Santos

Dito ay kung saan ako nagkaisip
Dito ay kung saan ako namulat

Kapag aking kapiling ang aking pamilya
Dulot nito’y walang katumbas na ligaya

Kapag sila’y masaya ako’y maligaya
Dahil nagbibigay ito sa akin ng lakas

O aking pamilya pag kayo’y may problema
Wag matakot lumapit sa akin at humingi ng tulong


Mapagkunwari
Ni: Maureen Delos Santos

Mga mamamaya’y tila nagtataka
Kung papaano at saan napupunta
Mga perang binibigay sa gobyerno
Paggamit kaya nila’y tama at wasto

Mga opisyal na mapagbalat-kayo
Nararapat lang mapatanggal sa pwesto
‘Pagkat yumayaman sa maling paraan
Kaban ng baya’y pinagsasamantalhan

Mga mamamaya’y lalong naghihirap
Sapagkat kinukuha’t  ninanakawan
Kung ang dahilan ay pansarili lamang
Paano uunlad itong ating bayan

Perang pinaghirapan ibubulsa lang
Huwag kurakot ang tanging hiling lamang
Ang mga taong-bayan ay nag-aasam
Ng katunayan at ng katotohanan





Mandirigma
Ni: Matthew Roxas

Lumayo sa pamilya para sa bayan
Iniwan ang mahal para sa digmaan
Hinahanap ang Kalingat ng amat ina
Nasasabik ng umuwi saking amat ina

Sa malayong lugar ako ay nag hirap
Pero ang nararamdaman ay masarap
Huminge ako ng tulong sa ating diyos
Sana ang gulo na ito ay matapos

Palagi kong iniisip ang pamilya
Hinahanap paren ang luto ni ina
Hinahanap ko den ang kulit ni ama
Hinahanap ko den ang lambing ng kuya

Ako ay naglingkod bilang sundalo
Ako ay nandito para sa pagbabago
Gabayan ang tanging hiling sa diyos
Gabayan at sana ito ay matapos


Tanawin
Ni: Matthew Roxas

Napaka raming magandang
Tanawin sa ating bansa
Marami naren na mga dayo

Kaya dapat alagaan naten nito
Upang ang mga tanawin
Ay nindi masira kelangan natin alagaan at mahalin ito



Kinabukasan
Ni: Matthew Roxas

Nais kong makapag tapos sa
Pag aaral. Gusto ko matulungan
Ang aking pamilya sa lahat ng
Ginawa nila para saken

Nais kong maging negosyante
Gusto ko gayahin ang akin ama
Madiskarte sa buhay at maala-
Ga sa aming Pamilya




Droga
Ni: Matthew Roxas

Ginagamit ang gamot para sa tao
Gamitin sa tama at wag iabuso
Masama ang epekto nito sa tao
Mag dasal sa diyos at manalangin tayo



Hindi ito daan para sumaya
Pag sasamatsama masayang pamilya
Iwasan nating itong bawal na gamot
Upang walang masama maidulot

Ingatan ang ating mga kabataan
Dahil tayo ay ang pag asa ng bayan
Wag naten sayangin ang buhay sa droga
Wala itong maidudulot na maganda

Hindi pa huli para ikay mag bago
Wag naten subukan ang masamang bato
Mag libang tayo sa mga ibang bagay
Upang maging maayos ang pamumuhay


Ang Nakaraan
Ni: Matthew Roxas

Kung dati tayo ay nag lalaba sa ilog
Ngayon bawal na tayo dito mahulog
Dati kung puno ito ng kasiyahan
Ngayon nababalot na ng kalungkutan

Bayan natin ay ating bigyan pansin
Ang mga basura ay dapat damputin
Pagtulong sa kalikasan bigyan diin
Itoy alagaan natin at mahalin
    
Ating ilog ay puno ng basura
Ang mundo naten ngayon ay dumidilim na
Ang panganib ay paparating na sa mundo
Halinat sabay sabay tayo mag bago

Ang ating kapaligiran ay linisin
Ang mga ilog at sapa ay salain
Itong dumi at polusyon ay pigilin
Tayo nat lumanghap ng sariwang hangin





Korupsyon sa Politika
Ni: Ian Dela Rosa

Ating lipunan tuluyang nasisira
Ang Korupsyon ay malinaw nakikita
Sa politika ito ay kitang kita
Palasak, nakikita ay kahirapan

Ano ba nangyayari sa buong mundo
Pamilya ay patuloy na umiiyak
Kailangan ng mga tao ay magbago
Ngunit tanong sa sarili ay paano

Gobyerno dapat matugunan ang tao
Ngunit, sali rin ay nagbibigay kaso
Mga tao ay patuloy naghihirap
Ang tanging solusyon lang ay pagsisikap

Mga kasalanan ay di maiwasan
Resulta ay pagwasak ng lipunan
Kailangan natin to solusyonan
Para sa kinabukasan ng lipunan


Ganda ng Pilipinas
 Ni: Ian Dela Rosa

Ang Pilipinas ay isang magandang bansa
Maraming magandang tanawin at lupa
Bagama't may mga magagandang tanawin dito
Ay meroong mas gaganda pa.
Dapat ng kasing kulay ng langit
At kasing alat ng asin
Bundok ng kasing taas ng alapaap
At pwede pa itong lakbayin

Bukod man sa maraming magagandang tanawin at dagat
Walang kasing gaganda pa sa isang bahaghari
Prutas at gulay na pwedeng palakihin at kainin
At maginhawa sa katawan.

Sampaguita ay sumisibol sa mga lugar
Mga tao ay nagtatatrabaho ng parang walang bukas
Estudyante ay nag-aaral at tumutulong sa kapwa
Tunay ngang maganda ang pilipinas


Kaibigan
Ni: Ian Dela Rosa

Bilang isang mabuti mong kaibigan
Hindi kita pababayaan kailanman
Ako ay nasa tabi mo lagi
Hindi kita iiwan habang buhay

Dahil ako'y isa mong mabuting kaibigan
Huwag kang matakot na lumuha
Kung ika'y nag iisa palagi,akoy lalapit sayo
Kung ikaw ay nahihirapan,wag ika'y mahiyang sumandal sa akin

Kung paglayuin tayo ng panahon
Pipilitin kong ika'y di limutin
Buong puso kitang tatandain
At buong puso rin kita mamahalin

Kung ako'y lumipas na
Wag kang umiyak para sa akin
Ako ay nasa tabi mo palagi
Sana rin ako'y di mo malimutin





“Kahirapan”
 Ni: Denzel Delgado

Talagang tanyag ang kahirapan dito
Lalo na sa hindi maunlad na bayan
Ang kinakain lamang nila ay puto
Nauubos ang kanilang mga yaman

Ang ating bayan ay lalong naghihirap
Nawawalan ang lahat ng mga sarap
Lahat tayo ngayon ay nahihirapan
Hindi natin dapat ito pababayaan

Dapat gumising sa kamusmusan
Tayo ay dapat ding mag sumikap
Para saating mga kinabukasan
Upang tayo’y magkaron ng hinaharap

Halina’t tulungan ang ating kapwa tao
Lahat tayo’y gumawa ng pagbabago
Sana ay walang taong bumaliwala
Para di umabot ang buhay sa wala


“Pansariling Problema”
Ni: Denzel Delgado

Minsa’y ako’y nagaalinlangan
Kung ang problema ko ay aking sasabihin
Dahil ang aking problema ay parang
Nilalamon ng isang malawak na dagat
Hindi ko alam kung sasabihin ba o hindi
Kahit ang aking kaibigan nagaalinlangan padin
Sa mundong ito walang kati katiwala
Pamilya mo lang ang maasahan

Mayron ding problema sa pagibig
Mahal mo nga pero hindi sigurado
Minsa’y ika’y naloloko
O kay ganda nga naman ng pagibig

Minsay may problema sa pamilya
Ito’y mahirap sabihin sa iba
Maliit man o malaki
Pansariling problema ay laging respetuhin


“Umahon”
Ni: Denzel Delgado

Kay ganda ng kalikasan noon paman
Ngunit ngayon ang panget panget ng tignan
Mga berdeng halama’t bugaw na langit
Bakit sobrang sagwang tignan ngayon bakit?

Anong ginagawa natin ngayon ano?
Bakit puro polusyon nalang at abo
Pano natin lulutasin ito pano?
Mahirap na atang lutasin to D’yos ko

Inang kalikasan ika’y nangagnanib
Natatanging gamot lamang ay pagibig
Sana’y mga tao ay mag sanibsanib
At wala sanang taong uusig

Tara’t Tulungan ang ating kalikasan
Tayo lang din naman ang maaasahan
Wag natin sayangin ang pagkakataon
Tara na’t umarangkada at umahon


“Anong Gagawin Natin?”
 Ni: Denzel Delgado

O pilipinas bakit ka nagkaganyan
Dati ibang iba ka
Ika’y malupit ay mahirap intindihin
Subalit lahat ay gagawin at ikay mamahalin

Dati’y maayos ang Serbisyong Gobyerno
Bakit ngayon may iba na atang plano?
Maniniwala paba sa balibalita?
Baka pati balita ito’y nasusuhol
Dati’y maayos ang ligaw
Ngunit ngayon nadadale nalang sa “sosyal midya”
Dati’y may rosas at may kasamang kanta
Ngunit ngayon nadadale nalang sa salita

Bakit naabot pa sa korupsyon
Dibta tulungan tayo sa bansang ito?
Pero bakit ang iba’y sarili lang iniisip
Ano na ang gagawin natin ngayon?


“Ang Aking Pangarap”
 Ni: Denzel Delgado

Ang pangarap ko’y maging isang dentista
Ngunit may gumugulo sa aking isipan
Kung ako ay sigurado ba o hindi
Susundan ko nalang ito at abutin

Nung bata ako, hindi ko dati ito gusto
Pero ngayon ito’y nagugustuhan ko
Gagawin lahat para ito’y makamit
Kabila nito’y ligayang di malilip

Sabi nga nila tiyaga ang kailangan
Haluhan natin ng sipag at dalangin
Linangin mo ang taglay na kakayanan
Makakamit ko ang magandang hangarin

Gagawin ang lahat para sa pangarap
Para saaking magandang hinaharap
Para sa huli’y makamit ko ang sarap
Para di maranasan ang paghirap

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

KOLEKSYON NG MGA TULA

PIPASAKA (Pilipino Para Sa Kapayapaan) Ni: Vianca Marie Cordero Maraming naranasan ngayon Mga problemang kailangan ng solusyo...