“Ang kasinungalingan”
Ni: Denzel Delgado
Ako’y nagkagusto sa isang babae. Maganda siya’t dilaw ang buhok, mahilig
makipaglaro sa mga bata at mahilig ding tumutog ng violin. Hinding hindi ko
siya makakalimutan. Ako si Adrian hindi ganon kagwapo, naka salamin at mahilig
tumugtog ng piano ngunit ito’y tinigilan ko. Namatay na ang aking ina dahil sa
isang sakit at ang nag aalaga sakin ay ang aking tita. Nagsimula ang lahat nung
may pinapakilala saking babae ang kaklase ko na si Maria at Joseph. Magkikita
kami sa isang “convention” kung saan gaganapin ang isang kompetisyon sa pag
tugtog ng violin. Kinabukasan akong naunang pumunta sa tiyak na lugar. Doon ko
naktia ang babaeng gusto ko. Tumutugtog siya ng violin at nakikipaglaro sa mga
bata. Gusto ko sya kunan ng larawan kaya’t kinuha ko ang aking “cellphone”. Sa
kasamaang palad nilipad ang kanyang palda nung kukunan ko na dapat siya ng
larawan. Buti’t hindi ko napindot ang aking cellphone ngunit nahuli nya akong
kinukuhaan ko siya ng larawan at akala niya’y akoy bastos. Inaway niya ako at
buti dumating ang dalawa kong kaibigan na si Joseph at Maria. Ito’y kinausap ni
Joseph at nag pakilala sya samin. Siya pala ang tinutukoy ni Maria sakin. Ang
pangalan niya ay Emily at ako’y biglang nagulat dahil kilala nya ako. Yun pala’y
dati pa niya ako kilala dahil nung bata ako, ako’y sikat sa pagtugtog ng piano.
Ngayo’y niyaya nya na kaming pumasok sa lugar dahil magtatanghal na siya.
Hinablot niya ang aking kamay at saka kami nag madaling pumunta. Yung mga oras
na iyon, yun ang oras na hinding hindi ko makakalimutan. Nung siya na ang
magtatanghal ako’y nagagalak na at natutuwa. Sobrang galing niya mag violin at
lalo pa siyang gumaganda. Ako’y napatulala lang pati nadin ang aking kaibigan na si Maria
ngunit sa kabilang banda ang kaibigan kong si Joseph ay natutulog lang at pag tapos
ng pagtatanghal, niyakap ni Joseph si Emily. Laki kong gulat dahil akala ko’y
magkaibigan lang sila. Magkasintahan na pala sila. Ako’y malungkot at sa pag uwi
ko ng bahay ako’y nakatulala lang sa aking ding ding at ako’y nakatulog.
Kinabukasan sa eskwela, nilapitan ako ni Emily at sinabi “Magtanghal tayo”.
Nagulat ako dahil hindi naman ako marunong mag violin yun pala’y duo pala. Siya
ang mag v-violin at ako naman ang mag p-piano ngunit tinigilan ko na to dahil
pag ako’y tumutugtog hindi ko naririnig ang mga nota. Nangyari ito nung namatay
ang aking ina at ako’y na trauma. Sabi niya’y “Ayos lang tutulungan kita
makapagtugtog ng piano kahit na hindi mo naririnig ang mga nota”. Ako’y
nagtiwala at ito’y tinanggap ko na. Nag ensayo kami araw- araw. Hanggang sa
dumating na ang araw ng kompetisyon. Pumunta din ang aming mga kaibigan. Ako’y
kinakabahan at may planong mag backout na. “Emily hindi ko ata kakayanin. Pano
pag nagkamali ako?” sabi ko. “Ayos lang iyon akong bahala sayo,” sabi ni Emily.
Hanggang sa kami na ang magtatanghal. Gaya ng aking inaakala madami akong mali
na nagawa. Sa kalagitnaan madami ang nadismaya dahil hindi naman ako dati
tumugtog ng piano kaya’t tinandaan ko lahat ang mga nota hanggang sa umayos ang
aking pagtugtog. Pag katapos namin mag tanghal si Emily ay hinimatay, agad
naming sinugod si Emily sa ospital at buti’y okay siya. Anaemic lang daw siya
kaya ganon. Inimbita kami ng organizer ng lugar para mag tanghal ulit kaming
dalawa dahil maganda daw ang mga pinakita namin. Ito’y tinanggap namin.
Nakalabas na si Emily sa ospital at kami’y nag ensayo ulit. Ngunit nabalitaan
ko na may sakit si Emily. Pinuntahan ko siya at siya’y nasa ospital ulit. Isa
palang kasinungalingan na anaemic siya. Dati pa pala siya nahihimatay at
nagsusuka ng dugo ng ilang beses. Ako’y nalungkot pati na din ang aking mga
kaibigan. Ngayong oras ako naman ang magbibigay ng inspirasyon kay Emily.
Nagtanghal kami ng duet kasama ang kapatid ni Maria. Ito’y maayos at
pinapakinggan pala ni Emily sa pamamagitan ng tawag kay Maria. Pagkatapos
pakinggan ito ni Emily naiyak si Emily. Nagdesisyon si Emily na gawin ang
surgery na pwede itong ikamatay niya para makapag duo ulit kami. Sa kasamaang
palad, namatay si Emily dahil sa surgery. Lahat ay naging malungkot. May
binigay sa aking sulat ang magulang ni Emily na ipinapahiwatig na siya’y inlove
sa akin dati pa nung kami’y bata pa. Nagsinungaling siya na may gusto siya sa
aking kaibigan na si Joseph para lang maging close kaming dalawa na hindi
masasaktan ang aking kaibigan na si Maria dahil may gusto din sa akin si Maria
noong kami’y bata pa. Ito ang kasinungalingan niya.
“Ang Aking Kaibigan”
Ni: Vianca Marie Cordero
Ako
nga pala si Sofia isang simpleng tao na mayroong pangarap sa buhay, habang
naglalakad ako papuntang tindahan dahil may bibilhin ako napansin kong may
nakatayo malapit sa apartment na tinitirhan ko at ng akma kong pupuntahan ay
bigla nalang siyang tumakbo palayo. Umuwi na si Sofia upang gawin ang iba pa
niyang gawain, naligo, nagbihis at aalis dahil may pupuntahan, nang kukunin na niya ang susi ng kanyang kotse nasanggi
niya ang pictiure frame nilang dalawang kasama ang bestfriend niyang si Diego
“namimiss na kita” yan nalamang ang tanging nasabi ni Sofia at umalis na siya.
Nang
makarating na siya sa trabaho ay bigla siyang pinuntahan ni Michelle at may
ibinalita sa kanya ito “Sofia!! Nakauwi na raw ang bestfriend mong si Diego
sabi sa akin ni tita.” Gulat na gulat si Sofia ng malaman ang balita magkakaibigan sila nila Michelle at Sofia.
Labinglimang taon narin simula ng iwan siya ni Diego dahil nangibang bansa ang
kanyang pamilya , bata palang sila ay magkaibigan na sila nito, dahil business
partners ang pamilya nilang dalawa noon. Bakas sa mukha ni Sofia ang pagkatampo
dahil hindi man lang siya nakapaghanda dahil hindi nasabi sakanya ni Diego
“baka naman sosorpresahin ka niya.” Sambit ni Michelle kay Sofia. Nang pauwi na
si Sofia ay nagulat siya na may sasakyang pula sa harap ng kanyang apartment
nakaharang ito kaya hindi makapasok si sofia agad siyang bumababa upang tignan
kung sino ito laking gulat niya ng makita si Diego sa loob ng sasakyan agad
namang bumababa si Diego upang salubingin ang kanyang kaibigan, pinapasok ni Sofia si Diego sa kanyang munting apartment inalok niya ito ng juice ngunit
tumanggi lamang ito, at sila naman ay nagkwentuhan nalamang dahil matagal
tagal na rin simula ng magkahiwalay sila, “kamusta ka na mabuti at nagparamdam
ka pa, ni hindi ka man lang sumulat.” Sabi ni Sofia kay Diego, “pasensya na at
nagpokus rin kasi ako sa aking pag aaral doon at kinailangan kong pagbutihan
upang makahanap ng magandang trabaho doon kaya naman nagbakasyon muna kami dito
pagka graduate ko.” Sabi ni Diego at tawa sila ng tawa dahil binalikan nila ang
mga ala alang kanilang ginawa noong kabataan nila.
Dalawang
buwan na ang nakalipas at patuloy parin ang pagbonding nila ni Sofia at Diego
pero minsan ay sila ay nagbabangayan dahil tingin ni sofia ay may tinatago
sakanya itong si diego. “diego, kung may problem aka pwede mo naman akong
pwetuhan matutulungan kita.” Sambit ni sofia kay diego, “pero sofia wala naman
akong dapat ikwento o ilahad sayo masaya tayo oh, dahil isang buwan nalang ay
babalik na ulit kami sa Estados Unidos.” Nagulat naman si sofia “ha? Isang
buwan nalang at uuwi na kayo?” sabi ni sofia at tumango naman itong si diego.
Nakaisip si sofia ng plano kung ano ang pwede nilang gawin bago umalis sila
diego at kinausap na niya ang mommy ni diego sa plano, at ang plano ay
mag-oouting silang lahat upang sulitin ang mga huling araw na nandito sa PINAS
ang kanyang kaibigan.
Nang
nakaempake na ang mga gamit ni sofia ay agad siyang dumiretso sa bahay nila
diego upang sorpresahin ito na sila ay mag-oouting. Nasa kwarto ngayon ni diego
si sofia upang gisingin ito at magready, nang mapansin niyang sobrang daming
gamot sa lamesa ni diego at may oxygen tank pa sa may sulok nito, ngunit hindi
nalang niya ito pinansin at ginising na lamang si diego pinalabas niya agad si
sofia at siya ay nagready na para sa outing.
Nang
makarating na sila sa resort sa Batangas ay nagtry agad sila ng mga extreme
water rides tulad ng jetski, banana boat at kung anu-ano pa napansin naman ni
sofia si diego na hingal na hingal kaya nag alala na siya rito “okay ka lang
ba?, okay lang naman kahit wag na tayo magrides.” sambit ni sofia kay
diego tumango naman si diego at sinabing “saan mo pa ba gusto tara na.” “cliff diving tayo tapos snorke.” Sumangayon
naman si diego at nagpunta na sila sa cliff diving area, halata sa mukhang ni diego ang pagkabalisa pero hindi niya ito
ipnapahalata kay sofia. Nang sila na ni sofia ang tatalon ay ibang iba na ang
kondisyon ni diego pero nang nakatalon na sila ay hindi agad nakaangat si diego
pero may lifevest ito agad naman silang tinulungan ng mga lifeguard. Bakas sa
mukha ni sofia ang pag-aalala dahil nasilayan niya ang walang malay na si
diego, tumakbo siya sa cottage iupang sabihan ang mommy ni diego na nawalan ng
malay si diego, dali dali naman silang nagpunta at pina-ready na ni sofia ang
sasakyan kung isusugod nila ito sa ospital, dahil nagiba na ang kulay ni diego
at nang dinala na nila sa ospital si diego ay agad naman nilang pinaunlakan ng
serbisyo si diego. Lumapit ang magulang ni diego kay sofia at sinabing “may
sakit si diego, may sakit siya sa puso at nalalabi nalamang ang mga oras niya
rito sa ating mundo, pasensya na iha dahil ayaw ka niyang mag-alala, kaya kami
nagpunta ng Estados Unidos upang doon siya maipagamot.” Sobrang lungkot ay
humagulgol na sa iyak si sofia. “ Nung una ay okay pa ang kanyang kalagayan,
pero nang magsimulang magaral si diego ay bigla nalamang siyang inatake sa
kanilang school at nasuri ng doctor doon na may sakit siya sa puso at nung
makalawa lang ay nagpacheck up kami at sabi ng doctor na may pumutok na ugat sa
ulo ni diego na nagbunga ng tumor sa utak.” Sabi ng mommy ni diego habang
umiiyak. Lumipas ang isang linggo ay wala paring malay si diego nang mailipat
na siya sa Maynila upang doon ituloy ang gamutan.
Pumunta
sa ospital si sofia upang bisitahin si diego , nakita naman iyang wala ang
mommy ni diego kaya agad agad siyang oumasok dito at binantayan, habang inaayos
niya ang mg agamit at pagkainni diego ay nagulat siya ng biglang umimik si
diego at agad naman siyang lumapit dito at tumawag ng doktor dahil nagiba ang
kulay nito at tumunog ang machince ng nagmomonitor ng buhay ay nagflat line na
nagdasal agad si sofia at tinawagan ang mommy ni diego at agad na pinapunta sa
ospital.
Dasal
lang ng dasal si sofia, at makalipas ang limang minute aay bumalik na uli sa
kondisyon si diego at muling nagpahinga. Kitang kita sa mga mukha nila ang
pag-aalala ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa.makalipas ang dalawang araw ay
muling bumisita si sofia sa ospital nakita niya agad si tita doon sa kwarto at
agad siyang pumasok nagkwentuhan sila tungkol kay diego “alam mo sofia huling
nagkaganyan ang anak ko ay hindi ko talaga nakayanan, buti nalang nandyan ka
kasama ko upang harapin ang mga ito.” Ika ng mommy ni diego kay sofia.
Nagkwentuhan lang sila hanggang sa sabi na lamang ng mommy ni diego ay kailagan
na muna niyang magpalit at maghanda sa bahay nila at babalik na lamang muli,
umu-oo nalnag si sofia at siya ang naiwan magbantay kay diego, habang
kinakausap niya si diego hindi na niya napgilang maiyak, “magpanggaling ka
diego, miss na miss ka na naming lahat.” Hindi namalayan ni sofia na nkatulog
na pala siya sa tabi ni diego, inayo sna
niya ang sarili niya at muling binantayan si diego. Dumating naman ang doctor
upang icheck up si diego, muling kinuhaan ng digo si diego at nagtanong si
sofia sa doktor “dok, sa tingin niyo po kalian po kaya magigising si diego?”
napangisi naman ang doctor at sinabing “iha, tanging dasal lang ang
makapagpapagaling kay diego” nagpaalam na ang doctor at naiwan nanaman si sofia
kay diego buti nalamang ay nakapagpaalam siya sakanyang boss sa trabaho. Habang
nag-aayos ng gamit si sofia bigla nalamang may nagsalita at sinabing “ahhh”
mahina ito pero malalim at dinig na dinig mo itp, agad namang pumunta si sofia
kay diego at akamng tatawagan ang mga doktor ngunit pinigilan siya ni diego
dahil okay lang naman daw siya, umupo sa tabi ni diego si sofia at nagsimulang
magsalita si diego pero nanghingi muna ito ng tubig at ibinigay naman agad ni
sofia ang tubig kay diego. Hinawakan ni diego ang kamay ni sofia.
Nagsimula
nang magsalita si diego kahit mabagal ito pinakinggang mabuti ni sofia, “sofia
gusto kung sabihin sa iyo na kahit anong mangyari ikaw parin ang bestfriend ko
mahal na mahal kita, sana ay maintindihan mo kung bakit hindi ko sinabi saiyo
ang kalagayan kong ito, alagaan mo ang sarili mo at wag mag papabaya, pero
parang hindi ko na kaya at gusto ko nang magpahinga, sana ay matignan tignan mo
ang mommy ko pakisabi na mahal na mahal ko siya, maraming salamat sa lahat ng
mga oras at alaalang ating pinagasamahan pero hanggang dito nalang. Sabi ni diego
na dahang dahang pumipikit at hinihiwalay ang mga kamay nilang dalawa ni sofia,
bakas nab akas sa mukha ni sofia ang lungkot at pagkadismaya dahil wala na ang
kanyang tinuturing na bestfriend.
Araw
na ng huling hantungan ni diego at lahat sila ay nagluluksa pero makalipas ang
dalawang linggo ay naghilom na ang mga sugat sa kanilang puso at damdamin, tila
tanggap na nila ang pagkawala ni diego at bumalik na ng Estados Unidos ang mommy ni diego upang
makalimutan na nag iba pang mga alaalang naiwan.
Makalipas
ang isang buwan ay nagtrabaho na sa ibang bansa si sofia, upang doon na
magtrabahi, habang naglalakad sa daan si sofia ay may nakabungguan siyang isang
lalaking maraming bitbit at agad namang tinulungan ni sofia ang lalaki at
nagsorry sila sa isa’t-isa, at tila nagkagulatan sila ng Makita ang bawat isa
ang lalaki kasing iyon ay kaibigan ni diego na si enzo kung saan sila ay
magkalaro noon. Nagkamabutihan na silang dalawa at makalipas ang dalawang
linggo ay tila lumalalim na ang pagtitinginan nila sa isa’t- isa.
“Tunay na
Magkaibigan”
Ni: Maureen Delos Santos
Sa lalawigan ng Pangasinan ay naninirahan ang dalawang
lalaking nag ngangalang Jose at Ramil na matagal ng matalik na magkaibigan.
Simula pa pagkabata ay sila na ang palaging magkasama. Sapagkat sabay na
lumaki, pareho nilang itinuturing ang isa’t-isa bilang isang tunay na
magkapatid na. Sa paglipas ng pahanon ay marami na silang naranasan na lalo
pang nagpatatag sa kanilang pagkakaibigan.
May isang sundalong nag-ngangalang "Brenan Subaru". Siiya ay isang magiting na sundalo siya din ay
matapat. Siya ang pinaka magaling na
sundalo kaya marami ang may ayaw sa kanya. Ang isang sundalo na lumalaban sa kanya
ay nag-ngangalang "Henrychevrolett". Siya ang may ayaw kay Brenan kaya
palagi niya itong kinokontra hanggang isang araw lumalaban sila kontra sa rebelde
ay napakadaming natulungan ni Brenan at nag selos si Henry kaya nilabanan nya
ito habang nakikipaglaban si Brenan at hindi nya tinutulungan si Henry kaya
hirap na hirap ito at nararamdaman na ni Brenan na may galit si Henry sa kanya ngunit hinahayaan niya na
lang ito dahil ang nasa isip ni Brenan ay hindi ito traydor. Natapos ang gera
at nag pahinga na sila sa kanilang kampo at nanaginip si Brenan na pinapatay
siya ni Henry kaya bigla nalang siyang nagising. Si Brenan ay uminom ng tubig
dahil sa sobrang kabado at naligo siya saglit at uminom siya ng kape at kumain. Kinabukasan nag training siya at masama ang tingin ni Henry kay Brenan dahil sa
kanyang napanaginipan hindi alam ni Brenan na totoo ang kanyang
napanaginipan na traydor si Henry at masamang tao ito kaya nailang si Brenan na
pansinin ito. Nagpapahinga na uli sila ay bigla sila nag usap tungkol sa pamilya ni Henry. Si Henry ay isang mayaman
ngunit si Brenan ay mahirap. Kinabukasan may gera sila tapos naisipan ni Henry
na gawin na ang masamang binabalak niya at nag tagumpay ito nabaril niya si Brenan ng patago.
Sa
kasalukuyan, sila ay parehong nasa huling taon na sa hayskul sa isang
pampublikong paaralan sa nasabing lalawigan. Si Jose ay labing pitong gulang
na. Samantala, si Ramil ay labing walong taong gulang na. Dapat ay nasa unang taon na sa kolehiyo
ngayon si Ramil, ngunit hindi siya natuloy sapagkat kinakailangan niyang
tumigil sa kalagitnaan ng pag-aaral noong nakaraang taon. At dahil dito ay wala
siyang magagawa kung hindi ang umulit sa huling taon ng hayskul. Ang estado ng
kanilang pamumuhay ay simple lamang. Hindi sila ganoong kayaman ngunit hindi
rin ganoong kahirap.
Isang
araw habang sabay na naglalakad papunta sa silid-aklatan ang dalawang matalik
na magkaibigan ay napag-usapan nila kung ano ang plano nila pagdating nila sa
kolehiyo. “Ramil, kung ikaw ay nasa kolehiyo na ngayon, ano sana ang kurso mo
ay saan ka nag-aaral?” tanong ni Jose kay Ramil. “Balak ko sanang mag civil
engineering sa isang paaralan sa Maynila, ngunit sa ngayon ay wala pa itong
katiyakan.” Sagot naman ni Ramil. “Ikaw ba? Ano naman ang iyong plano para sa
kolehiyo?” tanong rin ni Ramil pabalik kay Jose. “Katunayan niyan ay hindi ko
pa ito napag-iisipan sapagkat isinasaalang-alang ko rin ang nais ng aking ina
at ama. Pero nais ko rin na sa Maynila mag-aral,” sagot ni Jose. Hanggang sa
mga sumunod pang mga minuto ay nandoon lamang sila sa silid-aklatan,
nagkwekwentuhan habang nag-aaral. Makalipas pa ang ilang mga minuto ay
napagdesisyunan na nilang bumalik sa kanilang silid-aralin. Tatlong oras pa ang
lumipas at oras na ng kanilang uwian. Dahil magkalapit lamang ang kanilang mga
bahay ay parati silang sabay na umuuwi. Araw-araw din ay nilalakad lamang nila
ito dahil ang distansya ng paaralan nila mula sa kanilang bahay ay hindi naman
ganoong kalayuan.
Lumipas
pa ang ilang mga buwan, limang buwan na lamang ang natitira at malapit na
silang makapagtapos ng hayskul. Ngunit sa paglipas rin ng panahon ay ang
pagbabago sa ugali ni Ramil. Napapansin ni Jose na ang kanyang matalik na
kaibigan ay madalas na lumiliban sa kanilang paaralan. Kapag tuwing magkasama
naman sila ay lagi itong tulala at tila ba ang lalim ng kanyang mga iniisip. Sa
tuwing magsasalita o magkwekwento si Jose ay tanging tango lamang ang
isinasagot sa kanya ngunit kadalasan naman ay ito ay walang kibo lamang. Sa
tuwing nagtatanong siya ay kinakailangan pa niyang ulitin dahil madalas ay
hindi ito nakikinig. Tila ba nagbago ang kanyang ugali, ang nasa isip ni Jose.
Dahil dito ay minabuti na niyang kausapin ang matalik na kaibigan isang hapon
habang sabay silang naglalakad pauwi. “Ramil, ayos ka lang ba? Bakit para
yatang napakatahimik mo nitong mga nakaraang araw? Tila ba wala ka sa iyong
sarili,” tanong niya kay Ramil. “Hi-hindi… Pagod lamang ako dahil sa mga gawain
sa eskwelahan at sa bahay,” sagot ni Ramil. “Sige Jose, mauuna na ako sayo.
Hindi na ako makakasabay pa sayo pauwi dahil mayroon pa pala akong pupuntahan,”
nagmamadaling sabi ni Ramil. “Magkita na lamang tayo bukas uli, paalam,” sabi
ni Ramil at tumakbo na sa kabilang direksyon. “Te-teka, sandal!” habol ni Jose.
Ngunit si Ramil ay nakaalis na. Naiwan naman si Jose at walang nagawa.
Ipinagpatuloy na lamang niya ang paglalakad pauwi sa kaniyang bahay.
Kinabukasan,
pagdating ni Jose sa kanilang silid-aralin ay hindi niya nakita si Ramil sa
kanyang upuan. Bago siya umakyat ay hindi niya rin nakita si Ramil sa madalas
nilang pwestuhan sa labas ng eskwelahan. Hindi niya man ito gusto ay inaamin niya
na nakasanayan na niyang madalas itong wala sa klase.
Linggo
ng gabi, papauwi na si Jose galing sa bahay ng kanyang kaklase dahil tinapos
nila ang proyekto ng kanilang grupo ng biglang mayroong lalaking bumangga sa
kanya. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ay pareho silang tumumba sa
sementadong daan. Ilang segundo ang lumipas bago makatayo si Jose at ang
lalaking nakabangga sa kanya. Tatakbo na sana ang lalaki ngunit malakas itong
hinatak sa damit ni Jose sa puntong mapupunit na ito. Ngunit laking gulat niya
ng makita si Ramil sa harapan niya. “Ramil! Anong ginagawa mo dito?” gulat na
tanong ni Jose. Napansin niyang pawisan ito kaya muli siyang nagtanong. “Saan
ka ba nagpunta at parati kang wala sa klas-,“ napatigil siya ng makita ang
hawak ni Ramil sa dalawang kamay nito. “Ramil! Saan galing iyang napakaraming
perang iyan?” tanong ni Jose. Saglit na tumahimik ang paligid ngunit pagkatapos
ay ang mahinang pag-iyak ni Ramil ang siyang bumasag sa katahimikan.
“Jose…
hindi ko sinasadya,” sabi ni Ramil habang humihikbi. “Hindi ko ito ginusto at
wala na akong maisip na iba pang paraan,” pag-amin ni Ramil. “Ano bang ibig
mong sabihin?” nagtatakang tanong ni Jose. “May sakit ang nanay ko ngunit wala
kaming pampagamot. Mahirap lamang kami at walang pambayad. Hindi alam ng tatay
kung saan na kami kukuha ng pera,” umiiyak na pagsasalaysay nito. “Noong nakaraang
taon, iyon ang unang beses na kinakailangan ng nanay na magpagamot dahil sa
sakit niya. Iyon din ang rason kung bakit ko kinakailangang tumigil sa
pag-aaral. At ngayong taon, ito na ang pangalawang beses. At ngayon walang-wala
na talaga kami. At hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung ganoon sa nanay
ko,” patuloy ni Ramil. Nagulat si Jose dahil ang akala niya ay iba ang dahilan
kung bakit kinakailangan ni Ramil na tumigil noon sa pag-aaral. Ngayon ay
pakiramdam niya ay naaawa siya sa kanya dahil sa mga pinagdadaanan niya. Kaya
nais niya itong tulungan. “Bakit hindi mo ito sinabi sa akin, Ramil? Maaari ka
naming tulungan ng nanay at tatay ko. Maaari rin tayong humingi ng tulong sa
mga kaklase natin. Hindi sila tatanggi dahil alam nilang mabuti kang tao,”
paliwanag ni Jose. “Ngunit sa ngayon ay ibalik muna natin ang perang hawak mo
sa taong nagmamay-ari niyan at humingi ng patawad. Tiyak kong naghahanap ang
may-ari niyan,” patuloy ni Jose.
Gayon
nga ang ginawa nila pareho. At dahil mabait ang lalaki ay hindi na niya ito
ipinakulong pa. Sa ngayon, tinutulungan ni Jose si Ramil na humanap ng pera
para sa pampagamot ng nanay ni Ramil. Marami ang nais na tumulong kay Ramil
dahil alam nilang siya ay isang mabuting tayo. Kaya naman hindi na nagtagal pa
sa ospital ang kanyang ina at nakalabas din. Malaki ang utang na loob ni Ramil
kay Jose dahil kung hindi dahil sa kanya ay nagkasala na sana siya ngayon.
“Maraming
salamat, Jose. Tunay na napakabuti mong kaibigan. Nagpapasalamat ako at naging
matalik na magkaibigan tayo,” aniya Ramil. “Wala iyon. Basta lagi mo lamang
tatandaan na lagi akong nasa tabi mo. Sa tuwing kinakailangan mo ako ay huwag
kang mahihiyang lumapit sa akin. Hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka,”
aniya Jose. “Para saan pa at naging matalik na magkaibigan tayo, hindi ba?”
dagdag pa niya. “Tama ka. Asahan mo na ganoon din ako sa iyo,” sambit ni Ramil.
Pagkatapos noon ay masaya at nagkukulitang sabay na bumalik sa kanilang mga
tahanan.
“Sundalo”
Ni: Matthew Roxas
“Kapatid”
Ni: Ian Dela Rosa
Si Emmeth ay isang mabait na mag aaral matalino,
masipag at responsable. Siya ay maaasahan sa lahat ng bagay. Minsan na siya
naging Top 1 sa klase at nung nag graduate siya ng elementary siya ay naging
isang valedictorian. Ngunit may isa siyang pinoproblema sa kapatid, ang kapatid
niyang si Clara ay may malubhang sakit at naging labas pasok siya sa ospital.
Binibisita naman ni Emmeth ang kanyang kapatid sa ospital at kasama ang iba niyang
kaibigan mabait sila sa kanyang kapatid at pinapasalubungan pa ito. Nung nagtapos
na si Emmeth sa High School, binisita niya ang kanyang kapatid para tulungan
siya na pumili sa kolehiyo,
"Ate ano ba dapat kong piliin sa kolehiyo?"
tanong ng binata
"Ano nga ba?"
"Mag aral ka ng medisina"
"Medisina? Ibig mong sabihin magdodoktor
ako?"
"Oo parang ganun na nga"
"Bakit naman po?"
"Di ba nung bata ka pa lagi mo sinasabi sa akin
na gusto mo maging bayani?"
"Opo ate"
"Kung ganun ito ang mga una mong hakbang dahil sa
mundong ito marami ka matutulungan na tao pag simple lang ginagawa mo tulad ng
pagbibigay barya sa mga namamalimos at isa pa... Malay mo magamot mo pa ako
pagtapos mo"
"Sige po ate magdodoktor ako"
"Gawin mo lahat ng makakaya mo Em"
"Opo Ate para sa iyo ito pangako"
Nung araw na iyon ginanahan si Emmeth na mag aral ng
mabuti dahil sa pangako na ginawa sa kanyang kapatid. Siya ay nagsikap para sa pangako ni Emmeth kay Clara ngunit habang tumatagal ang panahon mas lalong
lumalala ang kalagayan ni Clara hanggang ni hindi na ito makaupo ng maayos.
Pagtapos ng ilang taon binisita ni Emmeth si Clara
"Oh Emmeth kamusta ka na?"
"Ayos lang po ate, nakakapag aral naman rin po ako
ng mabuti'
"Kung ganun maganda yan hehe, Emmeth mukhang di
na ata ako aabot"
"Aabot ka tiwala lang Ate konting taon na lang at
magagamot na kita"
"Di ganun ka simple yun, alam mo ba kung bakit
kita pinagdoktor"
"Para magamot kita?"
"Hindi dahil gusto kita maging inspirasyon nga
mga tao, di ba masarap pakinggan ang salamat sa ibang tao dahil niligtas mo
sila?"
"Siguro"
"Wag ka mag alala dahil lalaban ako hanggat kaya
ko Em"
"Sige po ate, isa pa pala bakit may papel ka
diyan?"
"Ahh wala ito"
"Sige"
Pagtapos ng ilang taon nagtapos na si Emmeth sa
pagaaral ng kolehiyo bibisatahin dapat ni Emmeth si Clara ngunit wala siya roon
tinanong niya sa nurse kung nasaan siya ay sabi niya ay wala. Tinanong naman ni
Emmeth ang doktor sabi ng doktor sa kanya ay wala na siya laking gulat naman
nito ni Emmeth. Nung uwuwi siya sa bahay nila doon nakita ni Emmeth ang burol
ni Clara umiiyak siya nung nakita niya ito. Pumunta siya sa kwarto ni Clara
para balikan ang mga alaala nilang dalawa, napansin ni Emmeth na may nakakupli
sa unan ni Clara nung tinignan niya ito muka itong sulat binuksan niya ito at
binasa
"Emmeth kamusta ka na? Pasensiya na di ako
umabot alam kong gusto mo akong gamutin pero hindi na ako umabot patawad.
Patawad din kung medyo maharot ako minsan pero gusto ko ipagpatuloy mo pa rin
ang pagiging doktor mo dahil alam ko sa sarili ko na marami ka maliligtas na
tao malakas kutob ko dun. Emmeth patawad dahil hindi na kita makikita patawad
dahil iniwan kita sana mapatawad mo ko. Wag ka mag alala babatayan kita sa
langit at sana minsan mapansin mo rin ako tuwing titingin ka sa langit. Mahal
kita bunso kong kapatid at paalam."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento