Linggo, Oktubre 15, 2017

SANAYSAY

“War on Drugs”
Ni: Vianca Marie Cordero

     Ilegal ang paggamit ng droga dahil masama ito sa ating katawa at kalusugan. Ang droga ay isa sa mga gamot na ipinagbabawal dito sa ating bansa. Dapat ay mapigilan na ang paggamit ng droga dahil kung hindi ay lalong dadami ang kaso ng illegal na droga.

     Noong naging Presidente si Rodrigo Duterte ay nagpatupad ng OPLAN TOKHANG upang mahuli ang mga gumagamit ng illegal na droga. Marami ang mga nahuli sa isinagawang OPLAN, Ngunit marami rin ang mga namatay dahil sila ay nanlaban sa mga pulisya. Dapat ay mapigilan ng gobyerno ang patuloy na pagpasok ng illegal na droga dito sa ating bans. Matutulungan lamang ito kung magkakaroon ng kooperasyon ang bawat isa. Mapipigilan ang paggamit ng illegal na droga kung magkakaroon ng mga organisasyon upang ang mga drug addicts ay magkaroon ng magandang pamumuhay. Bakit nga ba sila gumagamit ng illegal na droga?, simple lang dahil nga siguro sila ay natukso, may depression o kawalan nan g pag-asang mabuhay dahil sa mga problemang kanilang hinaharap. Maraming buhay ang nasisira ng dahil sa paggamit nitong illegal na gamot kaya dapat lang na mapigilan ito.

     Kailangang mapigilan ang paggamit ng illegal ma droga at makapagsimula ng pagbabago. Mangyayari lamang ito kung magkakaroon ng pagkakaisa ang gobyerno at tayong mga tao. Kaya dapat pigilan na ito at magsimula nalang ng pag-babago.


“Maskera”
Ni: Maureen Delos Santos

Gaano na nga ba kalaki ang korupsyon sa Pilipinas? Isa ang bansang Pilipinas sa mga dumaranas ng kaliwa’t-kanang korupsyon sa pamahalaan. Ang korupsyon ay ang hindi marangal, mapanlinlang, at makasariling pang-aabuso sa ipinagkatiwalang kapangyarihan para sa pansariling pakinabang.

            Isa ang korupsyon sa mga dapat sugpuin na katiwalian sa ating bansa sapagkat dahil ditto ay mabagal ang pag-unlad at pag-asenso ng bansa. Maraming mamamayan ang nagtratrabaho upang makapag bayad ng buwis na para sana’y magamit upang mapaunlad ang bansa ngunit dahil sa pagiging gahaman ng maraming nakaupo sa pwesto ay ito’y nagagamit para sa mga pansariling pangangailangan lamang. Nagkaroon na ng mga presidenteng nagsabing aalisin nila ang korupsyon sa Pilipinas. Ngunit walang pagbabago at nandyan pa din sila at dumadami pa. Ang dapat na sanay mga nakakulong na mga politiko ay malayang nakakapagnakaw pa din sa kaban ng bayan ngayon.

            Tunay na mahirap labanan ang tukso kung ito ay dahil sa malaking halaga ng salapi. Ngunit lagi lamang iisipin ang mga magiging epekto ng isang gawain. Huwag na itong pagtangkaang gawin kung makakasama lamang din.



Usok
Ni: Matthew Roxas

Simula ng naupo si ang ating pangulong duterte ang kanyang tinutukan ay ang droga dahil pinakaayaw ng ating pangulo ang droga nakakabawas ito ng ganda sa ating bansa

Libo libo na ang nahuhuli oh namamatay sa ating bansa ng dahil sa ipinagbabawal na gamot ngunit marami rin ang nadadamay dito napakaraming tao ang gumagamit neto dahil sa kahirapan at kagutuman  dapat nating itigil ito dahil hindi naman maganda ang epekto sa katawan.


Dapat huliin at bigyan naten sila ng bagong buhay upang ang kanilang buhay ay hindi masayang at ang pamilya nila ay mabuhay nila.



“Kahirapan”
Ni: Denzel Delgado

Talagang tanyag ang kahirapan kaya ito ang napili kong paksa. Bakit nga ba ito tanyag sa Pilipinas? Minsan ang problema ay hindi sa Gobyerno kunndi sa tao.

Bakit nga ba ang unang problema sa Pilipinas ay kahirapan? Minsan kasi hindi disiplinado ang tao sa kanilang buhay. Dapat nasa tamang pagiisip ka dahil hindi biro ang buhay. Minsa’y nagsisimula din ito sa korupsyon, ang pagnanakaw ng pera ng mga gobyerno. Wala tayong mararating kung ganyan ang pamahala natin dito sa bansa natin. May solusyon paba sa problemang ito?


Kung ako ang tatanungin para gawan ito ng solusyon sa problemang ito. Ako ay gagawa ng programang tinatawag na “Tara’t labanan ang kahirapan” doon ako mag sasalita’t liliwanagan ang mga isipan ng mga tao para sila’y bumango’t labanan ang korupsyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

KOLEKSYON NG MGA TULA

PIPASAKA (Pilipino Para Sa Kapayapaan) Ni: Vianca Marie Cordero Maraming naranasan ngayon Mga problemang kailangan ng solusyo...